Siguro matapos ng lahat ng panghihinayang at hirap na pinagdaanan ko sa nagdaang mga araw, siguro pagkakataon na uling huminga ng maluwag, at maglakad ng muli. Hindi pwedeng maiwan ka lang lagi sa likod at hayaan kainin ka ng lungkot at pighati. Napakadaming dahilan para maging masaya ulit sa buhay na ito. mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyayari, mga taong hindi mo inaasahan na magiging nandiyan sa oras ng pagdadalamhati. Buhay, napakaiksing salita, gaya ng iksi ng oras upang malubos mo ang pagkakataon. marami pang bagay na dapat gawin at hindi dahil nasaktan ka ng minsan, ay patuloy mo na lamang itong tatalikuran at hahayaang mabulok ka sa pagkakadapa mo. (“Baka mag ka gang Green pa yan. ikaw din”) mabuti pang hayaan mong mabuhay kang muli, at maging tao. lumingon sa kanan, lumingon sa kaliwa, maraming dahilan at maraming paraan para sumaya. Kaya kanina, nagahit na ko, takda ng bagong araw. Ng Hulyo atrese, bagong araw sa trabaho. kailangan ko ito upang mapunan ang mga bagay na kailangan ko upang makapag umpisa ng bagong kabanata sa buhay kong sadya atang idinesenyo upang maging sarswela, ngunit hindi ng komedya kundi manalamin sa lalim ng pagkakasadlak ng isang tao sa natatanging sakit at puot na mararamdaman matapos kang maiwan ng nagmamahal sayo, o pinaniwalaan mong nagmamahal sayo. hindi pa dito nagtatapos ang kwento ng natatanging Juan. mukhang sa tulong ng matalik kong kaibigan, lalo ng mapapadalas ang minsan kong nakahiligan. yun ay ang gumawa ng kwento at istorya, sa likod ng bawat ngiti, at bawat tawa ng simpleng Juan. hintay ka lang. May kasunod pa.

Advertisement