Ang lakas ng ulan sa labas, ang sarap sanam matulog na lang ng mahimbing at hindi na gumising sa tila baga sabi nga ng iba ay “Deep Slumber”. ang daming nangyari ngayon na bagkos inaasahan ng ilan, pero ako, hindi. sinampal, tinadyakan at niyurakan ang pagkatao ko. Hindi man ako naging perpektong kasama sa pang araw araw na buhay. alam ko naman na kahit papaano may nagawa din akong mabuti. kaya pwede ba?
Wag mong ibato sa akin ang mga salitang, aminado ako sa sarili ko, na hindi dapat sakin, gaya na lang ng sabihin mong wala akong back bone, sa totoo lang. Oo, nagkaroon ako ng mga panahon na sadyang hindi ako naging sandigan ng mga taong inaasahan ako. para maging kabalikat sa hirap na binubuhos ng buhay. kahit papaano, sa oras na kinailangan mo ko, andito ako. naiyakan mo na, napagbuhusan ng lahat ng galit mo sa mundo. Huwag naman sana. Isa pa, hindi ko kinuha ang alam kong hindi nararapat sa akin. bakit ka makikinig sa iba, napagusapan pa natin, totoo ba yun? naniniwala ka ba sa kanila? sinabi mo sakin, hindi. naniwala ako. pero ngayon, sasabihin mo na kinuha ko ang lahat sayo, kaligayahan mo, pagkakataon mong maging masaya?. alam mo ba kung gaano kabigat ang mga ibinabato mo sa akin? sana lang, na maisip mo, na hindi lang ikaw ang naghirap. pareho tayo. noong mga panahon na naghirap tayo. andito ako, naging matatag para sayo, para sa atin. nakakasama ka ng loob. sobra. pero kanina, sabi ko din.. Hindi.
Pagbaba ko ng sasakyan. inisip ko na lang, na sa pagbuhos ng ulan sa aking mga mata, kasabay na din nito, ang pagagos ng huling luhang ipapatak ng aking mga mata. hindi ko magawang sabihin sa iyo na napatawad na kita, dahil para sa sarili ko, wala kang nagawang masama sa akin. pero alam ko, na matapos ang lahat ng pighati, sakit at dalamhati na nararamdaman ko, nawala ko man ang sarili ko, alam ko. parang tirang binitawan ng isang basketbolista sa isang laro. may makakarebound din sa nawawala sa akin,. at ipu-put back lang din sa ring, kasama ang isang napakagandang DUNK.

naging matatag ka nga, naging andyan para sa akin pero sa huli, naging matatag ka pa din ba at andyan para sa akin? Ikaw lahat sumira ng pangarap naitn sa buhay. Mga pangakong hindi maghihiwalay, walang iwanan, forever kahit ano problema at pighati pa ang ihampas sa atin ng mundo.
Ang PINAKAMASAKIT, iniwan ka ng taong mahal mo na handa ibigay sayo ang LAHAT, na binubuo ang buong buhay nya kasama mo pero SUMUKO dahil saan? sang dahilan? SA HIRAP NG BUHAY. Pagmamahal bang matatawag yun?
masakit? oo. pero ako naisip mo din ba sakit na nararamdaman ko pagkatapos mo bitawan ang mga salitang TIME AND SPACE, ilang araw pagkatapos ng masayang IKALAWANG TAON NG ANIBERSARYO NATIN? pagkatapos ng dalawang taon, sa loob ng isang minuto, gumuho lahat ng akala kong MUCHIELOVES FOREVER. Ganun mo kadali tinapon ang DALAWANG TAON. at pagkatapos non, sunud sunod mo ng hinampas tinadyakan nilapastangan ang puso ko na para bang wala tayong pinagsamahan, walang naging elaine at julian, walang masasayang panahon ng magkasama, walang tawanan, para bang WALA LANG ANG LAHAT.
sakit, such an overstatement, as i always hear from you.
Ang huling hiling ko lang sayo, sana sa pagkakataong eto, maging man enough ka to do the things to really let me move on. Kung gusto mo na ko hayaan talaga at wag pahirapan sa araw araw kong buhay, alam mo ang dapat mong gawin. Kahit yun na lang pampalubag loob mo skin, ayos na din.