Bakit ba ganun? Lagi na lang ba sa araw-araw na na ginawa ng May Kapal lagi na lang akong puyat? ano ba talaga tumatakbo sa isip ko? bakit hindi ko magawang masabi? Lagi ko na lang bang lolokohin ang sarili ko sa mga bagay na pilit kong itinatago? Bakit ba ang hirap maging parte ng isang komplikadong buhay? o sadyang ako lang ba talaga ang nagiging dahilan para maging komplikado ito? sabi nga ng kaibigan kong si mitzi, “It’s us who makes the decisions, which makes our lives, cruel, and much more complicated than we can comprehend.” Ako nga naman sadya ang gumagawa ng mga desisyon na sadyang magiging dahilan para maging komplikado, magulo at higit sa lahat, maaring makasira ng buhay ko. bakit ba lagi na lang ganito? Pwede bang maiba naman? Na sa paggising ko, ang una ko na lang iisipin ay pagtanggal ng muta ko sa mata? sabagay, isang dahilan pa din ito para magpasalamat ka sa May Kapal na nagising ka pa, at may haharapin kang panibagong umaga.

“There’s no such thing as a Good or Bad Days, they’re just Days, it’s just how you make it Good, or Bad for you……”

Advertisement