Bakit kaya ganun? Paguwi ko kagabi, sa sobrang pagod ko inakala ko ng makakatulog ako ng mahimbing. pagkadating, naligo lang. nagayos ng gamit. at nahiga na agad sa kumot at unang naghihintay sa kwarto ko na buong araw kong inasam dahil sa puyat na dinala ng nagdaang araw. pero sa paghiga ko, tila walang nangyari. tumakbo ang isang bagay sa isip ko ng walang patumangga, sadyang hindi ako pinatulog at tila binigyan pa ako ng bangungot habang ako’y mulat pa. naisip ko lahat ng mga nangyari, at nangyayari. bakit ganun? ang sakit na tila inakala kong wala na, pilit pa din bumabalik at hinugot mula sa dibdib ko ang isang bagay na tinatago ko na dahil sadyang pinagagaling ko pa. at muli itong pinunit sa aking harapan at sabay tumawa ng malakas. ang sakit pala sadya ng mga ganitong bagay. gusto mong isambit ang mga salita ngunit tila may pumipigil sayo na hindi maintindihang kung ano man. masakit, oo, sobra, na tila sa bawat oras na lumipas ay umiiksi at sumisikip ang aking paghinga. bakit ganun? Kelangan ko na ata talaga ng ambu bag! Ambulansya at Oxygen Tank! Nurse! DOC!